Friday, March 20, 2009

Summer, please. :(

I ain't talking about summer classes. I am wanting a get-away. A great one!
All things have been in a so-so kind of situation. Jusmiyo. I'm out of control.
Fresh air please. Kahit Tagaytay lang.

Kung sinong may escapade, I wanna come.
I REALLY DO. :) ;;)

Sunday, March 15, 2009

Mahirap Magpalaki ng Magulang.

'Yun lang naman eh sabi-sabi. Haka-haka. Pero ako, isa ako sa mga pwedeng magsabi na, oo, totoo ang paniniwala na 'yun.

Hindi naman sa eksaktong ikaw ang nagpapalaki sa kanila. Siguro nga wala ako sa posisyon para lubos na maipaliwanag kung bakit. Pero sa karanasan ko maging na rin sa naoobserbahan ko, may patutunguhan ang katagang 'to.

Ngayong gabi lang, mum and I had an argument. I was raising my point and she was raising hers. Knowing my mom, she has this certain tendency to be illogical and irrational just to, keep her stands. I was crying. Why? Hindi kasi ako mapanlaban na tao. Although I'm very provocative, I still try to be at the best state of mind when doing stuffs like this. Siyempre mind over matter. Kailangan kasi, iniisip mo din yung mga bagay na gagawin mo, bago mo tuluyang pagsisihan. Back to the topic, I just chose to cry rather than compete with my mum's enormously loud voice. It started with something petty then twas just blown out of proportion. I don't want to go into details na but as what I've said, dun ko nakikita, naiintindihan ang ilang mga bagay-bagay.

Nasabi ko na mahirap magpalaki ng magulang kasi they tend to overdo things. Pati expectations minsan, sobra. Anhirap na rin sakyan. Minsan mapapaisip ka, ito ba talaga gusto mo para sa'kin? O eto lang yung gusto mo para sa sarili mo na hindi mo narating? Second, sa mga pagkakataon gusto mong itama yung mga mali ng magulang mo at sabihin sa kanila, hindi natin magawa. Bakit? Kasi dahil nga sa nakasanayan na nila yung mga maling yun, sa tinagal-tagal, kahit mali, nagiging prinsipyo na nila. Sarado na rin kasi masyado ang utak nila para matuto pa sila galing sa mas nakababata sa kanila. Sa maikling salita -- PRIDE. Ganun ata talaga. Kapag tumatanda ka, pakiramdam mo, marami ka ng alam at malaking tapak sa kakayanan mo kung bata pa ang magtuturo sa'yo.

" A child is a father to a man. "

Natutunan ko 'to sa English namin dati. The statement completely shows a lot of sensibility. Sa buhay, as you grow old, you should also grow up. Hindi pwedeng maiwan ang isa. Hindi magiging balanse. Minsan nga, kung sino pa ang mas bata, yun pa ang may kapasidad na buksan ang isipan mo. Kasi mas nauunawaan nila `yung kapayakan ng mga bagay-bagay. Ang maturity naman kasi, mentalidad yan. Hindi niyan sakop ang pisikal na pagkatao mo.


Baka naman iniisip niyo, may hinanakit ako sa'king Mother dear. No. It's not like that. Parang napansin ko lang na ganun talaga ata ang mga magulang. Marami na kaming napag-aawayan ng mommy ko, totoo yun. A lot of people are asking kung hindi ko daw naiisipan mag-rebelde sa ginagawa ni mum. For the people who personally know mum, gets niyo yun. Ang sa'kin naman, think thrice before acting. Naisip ko naman, para saan diba? Kapag naman ginawa ko yun, I'm not going to make their life miserable. Hence, it's my life that's going to be put at stake. Another thing, magkasamaan man kayo ng loob ng nanay mo magsigawan at maghampasan kayo ng bonggang-bongga, bottomline: NANAY pa din natin sila. Hindi naman ako nagpapakadakilang Alagad ng Diyos (HAHA) kaya lang may punto din naman. Ganyan lang talaga sila. Puputakan ka tapos pagkagising mo ang sasabihin sa'yo: "Kumain ka na ba?" =)))))

Kahit kailan naman, hindi naghangad ng masama ang magulang para sa anak. Siguro nga lang minsan, nakakalimutan nilang makinig pero malay natin, balang araw. :)))

Thursday, March 12, 2009

HEY.

So as usual, I was blog hopping again and I got inspired. I'm not going to name. You guys know I don't name. NEVER WILL.


Step1

Assess how often you think about another person's situation. Are your thoughts always about your own life? Or do you spend any time thinking about what another person in your life is facing? What is the ratio of thinking about yourself versus thinking about other people? If you do not think about other people at least 25 percent of the time, then you might be self absorbed.


Step2
Determine how often you have conversations that are not about you. Does every conversation relate to your own life in some way? How often do you participate in a conversation that has no bearing whatsoever on your own life? If you do not talk with people about topics that are not directly related to your own life at least 25 percent of the time, then you might be self absorbed.

Step3
Examine how much you know about the people in your life. If you do not know the answers to these questions, then you might be self absorbed.

Step4
Think about your attitude. Do you think that anything that does not interest you personally is "stupid"? Do you divide topics into "good ones" (topics that appeal to your own tastes) and "bad ones" (topics that you do not care about)? Do the people in your life avoid talking with you about their own interests because of your attitude? If so, then you might be self absorbed.

Step5
Evaluate how you treat other people. Are you frequently late when meeting the people in your life? Do you view your time as more valuable than theirs? If you do, you might be self absorbed.

Step6
Consider whether someone has called you self absorbed. Has anyone in your life told you that you are self absorbed? Has anyone described you as selfish or self-centered? If somebody has told you this, then you might be self absorbed. If more than one person has told you this, then you should really consider whether you are, in fact, self absorbed.


'Yung mga may highlights, 'yun lang naman 'ung gusto kong i-emphasize. Hindi ko na talaga ikaw kinakaya. I mean, amplastic, amplastic mo na talaga. :(( Nalulungkot ako na ganyan ka. Pero wala na talaga akong magagawa para sa'yo. :O :s Naaasar na rin ako kasi bakit ka ganyan? Kapag kaharap mo ko, okay ka naman. Kapag wala na ko, andami mong sinasabi. Actually, okay ka lang kausap ako. Pero yung tono mo, tono ng napipilitan lang. Hindi ko naman sinasabing huwaran ako. Kasi HINDI naman talaga. Pero ang sa'kin lang, do you really, really have to fake it like that? Because trust me, hindi ka mananalo ng award sa pag-arte mo. Sobra mong obvious. Kung hindi ka naman komportable sakin, years back, edi sana, hindi mo na ko fnriend diba? Akala ko naman totoo ka. Nagtataka din ako kasi nakakaya mo namang mang-prangka. Bakit hindi mo ako kayang harapin? Dati pa 'to eh. As in taon na rin. Kung may bad blood ka sa'kin, so be it. If you can't stand me, then you can't. I won't die if you won't approach me forever. Don't get me wrong. I'm not acting like ako yung mabait o ako yung kawalan. Ang sa'kin lang, CAREFUL ka. Nakakasakit ka na. Ang loser mo, alam mo yon? Kasi ang GASPANG GASPANG ng UGALI MO. Feeling ako? Eh ano ka pa kaya? Akala ko pa naman may pinagaralan ka. Saan banda? I'm not going to say sorry for telling the truth and speaking my mind. Kung meron kang mga issues sa sarili mo, huwag ka ng mandamay. Hindi rin naman ako makikielam kung hindi ako involved. :)) Oo, affected ako. Kasi nakaka-GAGO ka na talaga. Paki-ayos lang ha. Sana hindi mo ginagawa sa ibang tao 'yang kagaspangan mo. Sa'kin mo na lang ibuhos. Hindi naman kita gagantihan. Sabi nga ni Kiara, dahil mabait ako, ipagppray na lang kita. Sana gabayan ka ni Jesus. Amen. O:)

P.S: Baka naman hindi mo pa din naintindihan. Ibig kong sabihin, SELF-ABSORBED ka. =)))

Umalis ka man sa buhay ko, OKAY lang.
I have MY FRIENDS. And happy to tell you, masaya ako sa kanila.


Thank you KAPATIDS, BEBE, ACERS (marami kayo eh), RICKROKTES, SO-CALLEDS, MAH, CAH.
Mahal na mahal ko kayoooong lahat. :)) Cyberhuuuuuugggggsss. ^_^


Kung feeling mo nakaka-relate ka, edi nakaka-relate ka. Hoho.
Kung feeling mo ikaw 'to, grabe ka naman. Assess yourself. Ginagago mo na din ba ko?
Baka hindi ko pa alam. =)) Joke.


Bato-bato sa langit, ang tamaan, GUILTY.



"Envy is a disease.
I'm hoping you get well soon.
Very. Very. Very. SOON. D:"

Sunday, March 8, 2009

Namimiss ko.





HMMM. Ano nga ba yung namimiss ko?

  • Yung mga walk trips namin simula CSOL hanggang Ilaya o kaya CSOL hanggang Maliksi.
  • Yung mga habulan sa corridor na nakakahingal.
  • Mga tambay sa Penthouse hanggang mag-uwian.
  • Yung C.R na ginagawa naming chismisan area
  • Yung Canteen na memorize namin yung menu.
  • Yung Faculty na lagi naming tinatambayan.
  • Yung upuan, hihilahin namin sa bintana tapos magpapahangin kami.
  • Yung pagtayo namin sa platform tapos wala lang.
  • Yung kukulitin namin yung mga teachers namin sa bintana at pinto.
  • Yung maghahabulan para hindi ma-late sa Flag.
  • Yung mga DoTA moments sa Computer Laboratory.
  • Yung uupo lang kami sa Gym tapos mag-uusap kami.
  • Yung pagtsitsismisan namin yung higher batch o kaya lower batch. =))))
  • Yung magsisigawan kami ng joketime.
  • Yung tambay kay Mang Entong o kaya sa Babuyan.
  • Yung kakain kami ng kwek-kwek, dugo at goto dun kay Ate.
  • Yung bibili kami sa bakery ng Kababayan, Donut tiyaka Tinapay na may pula sa gitna. :D
  • Yung tatambay muna kami sa SM Bacoor bago umuwi.
  • Magpapapicture sa Mistubishi. Hahaha.
  • Uuwi ng super late dahil sa SC, SL, CAT or Research and I.Ps.
  • Tatambay sa office ni Sir Dumali at maghahalungkat ng pictures, files, etcetera.

I don't mean to brag, pero yung school kung saan ako galing, hindi matatawaran. You might think I'm saying this because I came there. NO.
I, myself, even doubted the school's capacity to handle students and bring out their potentials.
I was totally wrong. Hindi ko din mapaliwanag eh. Aside from the best curriculum they are providing their students, they also hone them. They mold us into better individuals. They enhance not only our intellects but also our attitudes. Hindi ka lalabas ng CSOL na bobo. I swear. Minsan, may mga pagkakataong susuko na kami sa dami ng dapat gawin. And when I mean marami, I really mean: Research, Debate, Student Council, Solician Life, CAT, I.Ps and other academic contests. Dun lang namin narerealize na hindi nila kami bibigyan ng mga bagay na hindi achievable for us. They gave it ahead of time. So kung mag-cram man kami, it's still a deadline that we have to meet.

I remember one time, twas Valentine's Day. Siyempre naman may mga lalamyerda. But our Physics teacher made a 100-item assignment regarding Series, Parallel and Network. Hohoho. Fantastic. Wala naman akong lovelife kaya lang kasi my cousin was here and we were kinda spending time together. Hello? Napraning talaga ako ng sobra sa assignment na yun. Kasi ang deadline, kinabukasan, 7:30 SHARP. Ganun ang pagpasa ng assignment sa'min. Not during the subject but the first period. To avoid copying. Pero siyempre may nakakalusot pa din talaga.

Which reminds me. Ang mga teachers namin dun, may mga kanya-kanya silang prinsipyong pinaninindigan. Meron d'yang sasabihin talaga sa'yo na ikaw bilang isang estudyante, trabaho mong mag-aral. Meron ding magdadagdag ng Commandments.

11th Commandment? THOU SHALL NOT CHEAT.
12th Commandment? THOU SHALL NOT BE CAUGHT.

We did not achieve things the easy way. Getting a 95 might sound easy but it's not. Hindi kasi uso dun yung honor ka kaya nahihiya ang teachers sa'yo at hindi ka nila ibabagsak. Dun, wala silang pake. Basta ang kanila, lahat pantay. Yung mga exams namin na SET A, B and C. Haha. Golly. Iiyak ka nalang talaga. Pati exam, may twist.

That's what makes me proud to be a Solician. Siyempre may mga flaws pa din. Pero yun kasi yung maganda. Hindi namin ginawang hindrances yun para matuto kami. We continue to challenge ourselves and be better persons. Nilalait kami dun, oo. Pero never did we think they're taking us personally. Sa school, hindi uubra kung matalino ka lang. Yung ugali mo, dapat maayos. Marunong kang makipag-kapwa tao. Marunong kang maki-bagay. Matuto kang isipin yung iba pero mahalin mo pa rin sarili mo.

Sabi nga, "WE LEARN NOT FOR SCHOOL BUT FOR LIFE."

They completely told me what life is all about. It's not just about what is learned in the four corners of the classroom. Nasa kung paano mo din yan i-aapply sa buhay mo. :)

Friday, March 6, 2009

UNWIND.

So finally, I got the research over and done with. Thanks to the effort of: Rok, Rick and Lot. Yahoo. Haha. Out of 45, imagine that. Well, there were some who did exert effort but crap. Sobrang dagok at pagsubok talaga ang pinagdaanan namin. Haha! Hindi O.A yung statement ko. Talagang ibang klaseng kapaguran ito. Si Rok, bukod sa siya na ang nag-aayos kapag medyo Mathematically involved yung case. HAHA. Si Rick, ang bonggang narrative. Aba naman at wala talaga akong masabi. As in, WALA. :D >:) Well, siya lang naman ang drug ni Rok. Peace! :P Si Lotes, siya ang sa majority ng editing. Shempre. Antamad niya palagi eh. Minsan maging responsible naman siya. Joke. =)))) At ako, aba naman. Support. All-through out. Kapag medyo English ang kailangan, ayun. Pero wala din naman akong masabi minsan. :D Sasakit ang ulo ng leaders kasi ang gawa ng members, bara-bara. Petiks. Lamo yun. Parang hello? Kami nga, puyat na at lahat pero pinipilit naming ayusin. Kami, buong libro at sila, paisa-isa lang, hindi pa magawa ng maayos. Don't get me wrong. Iba kasi ang mahina ang utak sa ayaw paganahin ang utak. It's not an issue of who's smarter. But a question of who's willing to take the initiative without thinking twice. Hindi naman ito para sa grades lang though majority ng rason eh para dun, part of it still comes from the want of self-satisfaction and fulfillment.

Today,alot of CIs have been congratulating our class. Sobrang overwhelming. Kasi after the hardwork is the fruit of our labor. At last, it's done! :)

Sunday, March 1, 2009

Got nothing to do.

Hahahahaha. We're hella bored. Kalokohan trips with Rok. :)
Posted by Picasa

Thursday, February 26, 2009

Hindi ka makapag-MOVE ON?

Grabbed lang 'to. I like the content.

We should think twice kung karapat dapat bang manghinayang sa kanya.

Isipin din natin kung deserving sya na pagbigayan ulit kung sakali mang maghabol ha. Tska dapat may pagbabago ka na makikita sa kanya kung wala talaga sa simula pa lang na maghabol. Wag mo na bigyan ng chance pero pre! Isa lang to’ marami pang iba dyan. Isipin mo na lang it’s his loss AT kasalanan niya na pinabayaan ka.

mga bagay bagay na pwede gawin…

hang out with your friends..(GUYS: magdota,magbasketball,maggala atbp.) PERO wag na wag kang magpapakaEMO. wag ganun. pero kung emotional ka talaga. okay lang na kahit konti OO pero wag mong tagalan ISIPIN mo kesa nagpapakaEMO ka sa bahay nyo.. Ilaan mo nalang ng oras ang paghahanap ng bago na mas better at mas deserving para dyan.

Nagrecollection ako na dapat pagmagaaylabyoo ka dapat I LOVE YOU INSPITE OF.. yung tipong mahal ka nya dahil hindi sa material needs at physical appearance.

Sa panahon ngayon ito na yung pagkakasunod sunod sa pagmamahal ng TEENAGERS….(opinyon ko lang to’ kung hindi ka naniniwala okay lang hindi to’ sapilitan.^^)

  1. PHYSICAL APPEARANCE ( dahil iniisip natin dapat maganda yung impression ng mga tao sa bf/gf mo.at may mukhang maihaharap sa mga kaibigan o pamilya o sa taong malapit sayo.)
  2. PERSONALITY (naggiging pangalawang basis yung personality kasi nauuna yung first impression natin na kesyo gwapo o maganda yun.ryt?.dito mo matatantsa kung IN or OUT sya sa puso mo naks.)
  3. STATUS OF LIVING (syempre ito yung hindi mawawala. ikaw sa sarili mo magmamahal ka ba ng mas mahirap pa sayo?.syempre iniisip ng iba dun sa praktikal dun sa kalevel nila o mas bigtime sa sa kanila… teenager palang tayo BAWAL ANG MATERIALISTIC wala pang TRABAHO.)
  4. SOCIAL LIFE ( isa dito yung mga kaibigan. mahirap makisama sa mga tao na hindi naman magkaparehas ang TRIP. pero masosolusyonan naman ito.)
PARA matapos na 'tong blog.in general kapag hindi pa handa ang puso para magmahal ulit huwag mong pipilitin para hindi ka makasakit. Minsan mas masarap ang buhay single, barkada lang ang kasama.kung hindi pa ready HUWAG. Hindi ka pa ready eh.